Hotel ni ‘Poblacion Girl’ suspendido, magmumulta

SINUSPINDE ng Department of Tourism ang accreditation ng Berjaya Hotel Makati matapos itong matakasan ng balikbayan na naka-quarantine na kinalaunan ay nagpositibo sa Covid-19.


Tinanggalan din ang Berjaya ng permit bilang multiple-use hotel dahil sa kawalan ng kakayahan nitong bantayan ang mga naka-quarantine na guest.


Pagmumultahin din ang hotel, dagdag ng DOT.


Ang aksyon ng kagawaran ay bunsod ng ginawang paglabas ni Gwyneth Ann Chua alyas Poblacion Girl sa nasabing hotel kahit hindi pa nito natatapos ang mandatory quarantine.


Mayroon namang 15 araw ang Berjaya para iapela ang desisyon ng DOT. –WC