INUTUSAN ni Pangulong Duterte ang pulisya na dakpin at imbestigahan ang mga taong gumagala sa labas nang hindi nagsusuot ng face mask at maging ang mga hindi maayos ang pagkakasuot nito.
Sa kanyang public address, sinabi ni Duterte na ang pagsusuot ng face mask ay kailangan upang mapababa ang kaso ng Covid-19 sa bansa.
“My orders to the police, those who are not wearing their masks properly in order to protect the public, to arrest them and detain them, investigate them why they are doing it,” ayon sa Pangulo.
“Yung ayaw maniwala, ayaw mo usapan na maganda, di ayan hulihin mo, imbestigahin mo. Nine hours stay in (police) station,” dagdag niya.
Aniya, walang pwedeng makalibre sa pagsusuot ng face mask.
“Just observe the protocol. Ako pinagtatanggol ko dahil baka hindi ako maintindihan. There is no way to guarantee that I will not be a victim of Covid” hirit pa niya.
“At no other time in my life that I have to contend with the fact na a lot of my friends, which ‘yung mga ka-edad ko namamatay na. And I do not exclude myself from that reality. Eh, matanda na rin ako eh,” sabi pa ni Duterte.