ITINANGGI ng Palasyo na may special treatment na ibinibigay sa Davao City matapos maiulat na pitong ospital sa lungsod ang tatanggap ng bakuna kontra Covid-19 mula sa Pfizer.
Iginiit ni presidential spokesperson Harry Roque na kasama ang Davao City sa mga lugar na makatatanggap ng Pfizer dahil sa kakayahan nito na magkapaglagak ng bakuna na kailangan ng negative 40 degrees.
“Well, talaga pong ang Pfizer ay binibigay lang sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao kasi ito lang po iyong mga lugar na mayroong subzero facilities na kinakailangan ng Pfizer,” paliwanag ni Roque.
“So, wala pong preferential treatment ‘yan, reyalidad lang po ‘no na talagang Pfizer was made for first world conditions requiring -40 po yata iyan ‘no, na storage facilities,” dagdag pa niya. –WC