HINIKAYAT ng Department of Health ang Commission on Elections (Comelec) na hayaan makaboto ang mga COVID-19 patients sa darating na halalan.
Maari umanong makahanap ang Comelec ng paraan para makaboto ang mga pasyente gaya ng online voting, para hindi na kinakailangan umalis sa kanilang mga lugar ang mga COVID-positive.
Ginawa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pahayag sa isinagawang pagdinig sa Kamara nitong Biyernes na maaaring makaboto ang mga Covid positive sa pamamagitan ng mga “isolation centers” sa bawat polling center.
“Kailangan din isaisip, dapat may alternative tayo for those who are COVID positive para sa botohan na ito. Alam natin na ang isang positibong tao kapag lumabas ng kanilang kwarto o ng kanilang lugar ay maaaring makahawa ng ibang tao,” pahayag ni Vergeire.
“Sana Comelec (I hope Comelec) will have an alternative way of having these elections for those COVID-positive patients,” ayon kay Vergeire, at isa anyang posibleng paraan ay ang virtual voting.
“Baka pwede naman virtual na lang, digital through SMS kung makakagawa tayo ng ganitong proseso,” anya pa.