MULING inalmahan ni Pangulong Duterte ang pagkontrol ng mga mayayamang bansa sa bakuna kontra coronavirus disease (Covid-19) na aniya’y 80 porsiyento ng suplay ay nasa kanila na.
“We are aware that more than 80 percent of the COVID-19 vaccines have gone to rich countries, leaving the rest of us in the developing world (with) so little to get by,” pahayag ni Duterte sa isinagawang APEC Informal Leaders’ Retreat.
“The great imbalance in vaccine access needs to be rectified. Vaccine nationalism must end,” dagdag pa niya.
Kasabay nito, muling nanawagan si Duterte na mabigyan ng access ng bakuna ang mga mahihirap na bansa.
“The Philippines reiterates its call for equitable access to safe and effective vaccines. Global economic recovery hinges on an efficient and effective mass inoculation worldwide,” aniya.