BLACKPINK’s Rosé nasorpresa sa gitara ni John Mayer

SUPER happy si Rosé, isa sa mga miyembro ng most famous girl group na BLACKPINK, matapos makatanggap ng special gift mula sa international singer-song writer na si John Mayer.

Sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, July 16, may show-and-tell ang Korean pop star ng photos ng regalo ni Mayer na isang gitata.

“Life is complete…and thanking the American-singer / songwriter.,” sey ni Rosé.

Ang gitara ay PRS Silver Sky na dinisenyo ni John with collaborative efforts ng isang high-end guitar maker na si Paul Reed Smith.

“I should be thanking you!,” say naman sa note ni Mayer na ibinigay kay Rose kasama ang kayang regalo.

Matatandaan na pinuro ni Mayer si Rosé dahil sa rendition ng “Slow Dancing in a Burning Room” nitong Hunyo. Tinawag niya itong “gorgeous.”

Rosé made her solo debut nitong Marso kung saan inilabas niya ang kanyang single na “On the Ground”