IBINUNYAG ng opisyal ng Department of Health (DOH) na kumakalat din ang vaccine-for-sale modus sa Parañaque City na unang naiulat sa San Juan at Mandaluyong.
Sa panayam sa DZMM, sinabi ni DoH Metro Manila Health Development director Dr. Gloria Balboa na nalulungkot ang kagawaran sa ginagawang bentahan ng bakuna at slots gayung libre namang ipinamamahagi ng gobyerno ang bakuna.
“Iniimbestigahan na ng dalawa nating LGUs –Mandaluyong at San Juan. Even sa Paranaque, meron na rin kaming na-receive na balitang ganyan. Umaaksyon na rin po ang mga otoridad kaugnay nito,” ani Balboa.
Nauna nang ipinag-utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang umano’y bentahan ng bakuna at slot na pumapalo umano mula P10,000 hanggang P12,000.