HINDI pa prayoridad ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga bata, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Ito ay sakabila ng mga ulat na pinayagan na ng China ang pagpapabakuna sa mga bata na may edad na 3 hanggang 17 laban sa coronavirus disease.
“Atin na pong napag-usapan na ito last week with the FDA (Food and Drug Administration) and base po sa ating analysis na bagamat ang mga kabataan ay kasama rin sa vulnerable sector, pero kapag kasi tiningnan natin ang analysis natin sa ga datos, makikita natin na children have the lowest risk of getting hospitalized, or getting severe infection from Covid-19,” sabi ni Vergeire.
Idinagdag ni Vergeire na nananatili pareho pa rin ang listahan ng mga dapat mabakunahan sa bansa.
“And because of the scarcity of supply currently in the country, atin muna pong itutuloy ang ating prioritization framework at kapag marami na po tayong supply saka po sila masasama doon sa ating priority,” dagdag ni Vergeire.