Catriona Gray may 12M followers na sa Instagram

PUMALO na sa mahigit 12 million followers ang Instagram account ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

“12 million? That’s crazyyyy Thanks for following along with this adventure called life. Grateful for all of you!” latest post ni Catriona sa kanyang account.

Aabot sa 12,007,631 ang followers ngayon ni Catriona.

Noong nakaraang buwan ay inilabas ni Catriona ang kanta niyang “Raise Your Flag,” na inspired sa kanyang naging statement noong Miss Universe 2018.

Nakatakda ring mag-host si Catriona sa Binibining Pilipinas grand coronation night sa Hulyo 11.