PINAG–AARALAN na ng Bureau of Quarantine at ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang paglalagay ng watermark sa mga vaccination cards.
Ani Dr. Ted Herbosa, inatasan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang DICT na lumikha ng “full-proof” na vaccination card na pwedeng gamitin para sa international travel.
Matatandaan na maraming lugar sa bansa ang ginagawa ring travel requirement ang vaccination card.
Samantala, nilinaw ni Herbosa na hindi pa pinapayagan ng Department of Health (DOH) ang paghahalo ng dalawang klaseng vaccines bagaman pinag-aaralan na ito sa ibang bansa. –A. Mae Rodriguez