Unvaccinated bawal lumabas aprub sa DILG

SUPORTADO ng Department of Interior and Local Government ang desisyon ng mga mayor sa Metro Manila na pagbawalang lumabas ang mga hindi bakunadong indibidwal.


“We fully support the decision of the Metro Manila Council na ipagbawal po ang mga unvaccinated individuals in public places,” ani Undersecretary Jonathan Malaya.


Nauna nang inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos na pagbabawalan sa mga pampublikong lugar ang mga hindi bakunado maliban na lamang kung bibili sila ng gamot at pagkain.


“Alam naman po natin na ang mga unvaccinated individuals pose a threat to the community, therefore maganda po iyong naging desisyon nila na dapat ay nasa mga kabahayan lamang sila and they should not be allowed in restaurants, leisure, establishments, to go on social trips, malls, public transportation,” ani Malaya. –WC