SUMASAILALIM sa self-quarantine si Vice President Leni Robredo makaraang magpositibo sa Covid-19 ang isa sa kanyang mga tauhan.
“I started my quarantine yesterday after she developed symptoms. Because of this, I need to continue with my quarantine,” ani Robredo sa kalatas.
Aniya, magpapa-RT-PCR test siya sa Lunes.
Bunsod nito ay kinansela ni Robredo ang Ilan sa mga nakatakda niya aktibidad.
“(But) I will continue to work from home during the entire period,” dagdag ng Vice President.