29 bata nadale ng Covid-19 sa Pasig

AABOT sa 29 na bata sa Pasig ang nagpositibo sa Covid-19, ayon kay Mayor Vico Sotto.


“Right now, we have, hindi naman ganun kataas ‘yung bilang, nasa 30 lang po, 29 to be exact. Twenty-nine children are positive with Covid-19,” ani Sotto sa isang panayam.


Mababa pa aniya ang bilang dahil mayroong 1,726 active cases sa siyudad.


“It’s not a big percentage considering that more than 1,000 people are infected. But, we have observed an increase in the number of children infected,” paliwanag ng alkalde.


Isiniwalat din ni Sotto na may ilang pagkakataong na buong pamilya ang nagtutungo sa mga quarantine facilities.