TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang suplay ng oxygen sa bansa habang patuloy na tumataas ang demand nito dahil na rin sa pag-akyat ng bilang ng kaso ng COVID 19 sa mga lalawigan.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nanatiling nasa “surplus state” ang suplay ng oxygen sa national level.
Paliwanag niya, ang curren industry capacity ay tatlong beses na mas mataas kaysa sa demand.
“There is a surplus from the producer’s side. The current capacity surplus includes both the medical and industrial oxygen capacity, and the latter can also be allocated to produce medical oxygen if and when necessary,” dagdag pa ng opisyal.
Nauna nang napabalita na nagkakaubusan na diumano ng suplay ng oxygen tank sa Cebu City. May mga video footage pa na napanood kung saan nakapila ang mga kaanak ng mga COVID-19 patients sa isang ospital para lang makakuha ng oxygen tank.
Binalaan naman ni Lopez ang sinomang mananamantala sa sitwasyon ngayon, “as hoarding, especially at this time, is a crime and our economic intelligence team will run after erring distributors or re-fillers.”