Namatay sa Covid ililibing sa mass grave


INIHAYAG ni Aklan Governor Florencio Miraflores ngayong araw na ililibing na lamang sa mass grave ang mga kababayan niyang namamatay sa Covid-19.


Ani ni Miraflores, ito ang napagdesisyunan ng lahat ng mga opisyal ng probinsya makaraang masira ang crematorium na ginagamit para serbisyuhan ang mga nasawi sa nakahahawang sakit.


“We send our Covid deaths to Iloilo but we were advised na for the next three weeks, hindi na muna sila tatanggap ng Covid deaths from Aklan kasi nagkadiperensya ang kanilang crematorium,” ani Miraflores.


Idinagdag ng gobernador na inatasan na niya ang mga alkalde sa lalawigan na magtakda ng lugar para sa mga namamatay.


“Ang health protocol natin dito is within 12 hours ay dapat malibing kaagad ang isang Covid positive na tao,” aniya.


Sa kasalukuyan ay tatlo ang namamatay kada araw sa lalawigan dahil sa virus.


“Ang aming COVID-death ay umabot na sa 137, more or less two to three deaths per day,” sabi pa ni Miraflores. –WC