PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng Department of Interior and Local Government sa dalawang insidente ng paglabag sa mass gathering policy ng gobyerno.
Ito ang street party sa Quezon province at boxing match sa Tondo, Maynila.
Sa kanyang ulat sa Talk to the People ni Pangulong Duterte Lunes ng gabi, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, nangyari ang street party sa Cinco, Calauag, Quezon noong Hunyo 19, samantalang isinagawa ang boxing match noong Hunyo 21 sa Barangay 38, Zone 2, District 1, Tondo, Maynila.
“Mula po ika-21 araw hanggang ika-27 ng buwan ng Hunyo, nakapagtala po ng mas mataas na bilang ng violations sa iba’t ibang health and safety protocols na ipinatutupad ng ating Presidente:,” pahayag ng opisyal.
Aniya, merong 51,012 ang naitalang bilang ng violations sa hindi pagsusuot ng mask; 598 ang bilang ng insidente ng mass gathering; habang 18,617 ang bilang ng violations na naitala ukol sa hindi pagsunod sa physical distancing.
Sa kabuuan umabot na sa 2,442 ang kinasuhan dahil sa mga paglabag sa mga health protocol, dagdag pa ng opisyal.