DESPERASYON nga ba ang nagtulak sa health minister ng Sri Lanka para iendorso ang paggamit ng mahika at sorcery para wakasan ang pananalasa ng coronavirus disease?
Dahil dito iniutos ni Sri Lankan President Gotabaya Rajapaksa na i-demote ang Health minister nito na si Pavithra Wanniarachchi dahil sa lantarang pag-endorso nito sa publiko na gumamit ng sorcery at mahika para labanan ang COVID-19.
Ayon sa ulat, nalagay sa intensive care si Wanniarachchi noong Enero matapos madale ng COVID-19 sakabila ng pag-endorso niya nang paggamit ng “magic potion” laban sa impeksyon na gawa ng isang sorcerer.
Naiulat din na nagsalin siya ng “blessed water” sa ilog noong Nobyembre matapos umano siyang sabihan ng isang “self-styled-god-man” na matatapos na ang pandemya na nakakaapekto sa Sri Lanka.
Sakabila ng demosyon, mananatili pa rin sa Gabinete ang opisyal bilang minister ng Transportasyon.