Sine, bar, internet cafe bawal pa rin sa NCR Plus

MANANATILING sarado ang mga sinehan, bars, concert halls, internet cafes at iba pang recreactional venues sa kabila ng deklarasyon ng general community quarantine (GCQ) sa NCR Plus.


Kabilang din sa hindi pa maaaring buksan ang mga billiard halls, arcades, amusement parks, at conference at exhibition venues.


Hindi rin pinapayagan ang interzonal travel mula sa lugar ng NCR Plus, maliban sa mga Authorized Persons Outside Residence (APORs).


Samantala, pwede na ang hanggang 20 porsyentong dine-in ar 50 porsyentomg outdoor dining sa mga restaurants.


Maaari na ring buksan ang mga tourist attraction pero hanggang 30 porsiyentong kapasidad lamang.
Mananatili naman sa 10 porsyento ang mga religious gatherings, at lamay at libing na kung saan hindi Covid-19 ang ikinamatay.


Nasa 30 porsyento naman ang pinapayagan na kapasidad sa mga salon, parlor, at beauty clinic.