MARIING tinutulan ng ilang labor groups ang suhestyon ng mga negosyante na i-segregate ang mga bakunado at hindi bakunado para maiwasan ang patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus disease sa bansa.
Ayon sa Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), ang ganitong uri ng diskriminasyon ang lalo lamang magpapalala sa kalagayan ng mga mahirap na manggagawa sa panahon ng pandemya.
“If the measure to separate the vaccinated from the non-vaccinated is implemented, our compatriots who are poor and powerless to get the vaccine even if they want to get vaccinated will be more miserable and oppressed,” pahayag ni Tanjusay.
Bukod pa rito, wala rin anyang katiyakan na kung pagsasama-samahin ay ang mga bakunado lamang ay mawawala na ang transmission ng virus.
Ang ganitong pagdidiscriminate, dagdag pa ni Tanjusay, ay lalo lamang magpapahina sa ekonomiya ng bansa.
“It will result to low economic activities and closure of many companies, resulting again to unemployment and workforce shortage because not all employees are unvaccinated,” paliwanag pa nito.
“The separation would also hurt business already hurt by the pandemic crises and worsen the already dying economy because of a very few vaccinated customers and buyers of goods and services. As a result, economic activities are low and many companies will close,” dagdag pa ni Tanjusay.
“Such segregation will also violate equal protection clause upheld at all times by our Constitution. According to the principle of equal protection, everyone, including government, must treat all persons with fairness and equality.”
“Besides, the vaccine supply is still in short supply despite so many wanting to get vaccinated. So it is unfair or unfair to discriminate or isolate them from public vehicles, malls, restaurants, supermarkets, and so on.”
Maging ang grupo ng Kilusang Mayo Uno at Defend Jobs Phiilppines ay naniniwalang isang uri ng diskriminasyon ang nais ng mga negosyante.