PINAYAGAN na ng Department of Health (DoH) ang pagbibigay ng ikalawang booster para sa edad 50 pataas at edad 18 hanggang 49 na may comorbidities.
Sinabi ng DoH na pinayagan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng ilang bakuna para sa pagbibigay ng ikalawang booster o pang-apat na bakuna matapos ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) at ni DoH officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire.
Tanging Pfizer at Moderna lamang ang maaaring gamitin para sa pagbibigay ng second booster, ayon pa sa DoH.
Maaari nang magpabakuna ang mga edad 50 pataas at edad 18 hanggang 49 na mag comorbities na apat na buwan nang nabigyan ng ikatlong bakuna o first booster.
Kailangan lamang na magpakita ng vaccination card, valid ID at medical certificate para sa mga may comorbidities.