Roque di ipakikita Covid-19 test result sa publiko

WALANG planong ipakita sa publiko ni presidential spokesperson Harry Roque ang kanyang Covid-19 test result.

“Bakit naman gusto nila? Hindi ko maintindihan why I have to show it actually,” aniya.

Giit ng opisyal na hindi importanteng makita pa ng taumbayan ang resulta ng test.

Kahapon ay inanunsyo ni Roque na positibo siya sa nakahahawang sakit bagaman asymptomatic daw siya.