MULING pinaalalahanan ang mga restaurant owners at operators na mahigpit na ipatupad ang “no vax, no dining” policy sa ipinaiiral na pilot testing ng granular lockdown with alert level sa Metro Manila.
“We remind our members to be vigilant with enforcing the safety protocols. We post signs asking guests to present their vaccine cards before being seated indoors. Surprisingly, there are numerous guests wanting to dine indoors without vax cards, who have to be turned away, unless there are outdoor dining spaces available,” ayon kay Resto PH president Eric Teng.
Sa ipinatutupad na protocol sa ilalim ng bagong lockdown scheme, papayagan ang indoor dine-in hanggang 10 percent seating capacity, ngunit mga tanging fully vaccinated lang ang papayagan dito.
Gayunman, pinapayagan ang mga hindi bakunado na mag-dine in sa outdoor setting ngunit hanggang 30 porsiyentong seating capacity lamang.
Simula nang ipatupad ito noong September 16, wala naman anya silang natatanggap na nagrereklamong mga kostumer dahil sa ipinaiiral na bagong dining scheme.