‘Preso dapat ding bakunahan’

NAIS ni Justice Secretary Menardo Guevarra na isama sa priority list ng mga babakunahan ang mga preso o persons deprived of liberty (PDLs).

Ayon kay Guevarra, sa kasalukuyan ay wala pa sa listahan ang mga PDLs na nasa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Corrections.

Aniya, kailangang isama sa vaccination program ng pamahalaan ang mga PDLs dahil sa panganib ng hawahan.

“The DOJ (Department of Justice) will argue on the basis of greater Covid risk due to overcrowding,” ani Guevarra.

Gagawin ng opisyal ang apela sa pulong ng National Task Force against Covid-19 ngayong linggo.