INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Education (DepEd) at mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan na paigtingin ang paghahanda para sa para sa pagsisimula ng face-to-face classes ngayong taon.
Sa isinagawang Cabinet meeting sa Palasyo, inungkat ni Marcos kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga isyu hinggil sa mga silid-aralan, guro at iba pang mga isyu.
Natalakay din ang isyu kung papayagan pa rin ng DepEd ang blended learning pagkatapos ng Oktubre 31.
“Ang gawin na lang natin i-identify saan ‘yung areas na magbe-blended learning para maka-focus tayo. Ihanda ‘yung mga devices at mga kailangan nila na noong pandemic hindi nasu-supply-an sa mga bata. We continue with blended learning pero in very specific places lamang. As much as possible, face-to-face na talaga,” sabi ni Marcos.