SINABI ng OCTA Research Group na umakyat ang positivity rate sa Metro Manila sa 14.5 porsiyento mula sa 12.7 porsiyento.
Idinagdag ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na umakyat din sa 39 porsiyento mula sa 36 porsiyento ang healthcare utilization rate (HCUR).
“While ICU occupancy increased from 24 percent to 33 percent. The one week growth rate in cases was 18 percent while the reproduction number increased from 1.03 to 1.14. ADAR (average daily attack rate) increased to 6.12,” sabi ni David.
Ito’y sa harap naman ng implementasyon ng opsyunal na paggamit ng face mask sa open spaces.