SINABI ng OCTA Research Group na muli na namang tumaas ang lingguhang positivity rate sa Metro Manila sa 9.2 porsiyento mula sa 7.4 porsiyento.
Nagbabala si OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David na posibleng tumaas pa ang mga kaso sa National Capital Region (NCR) sa harap ng panibagong wave ng COVID-19.
“Unless these trends do not progress, we could be seeing the start of another wave of infections in the NCR (similar to what we saw in June). Stay safe everyone,” dagdag ni David.