INANUNSYO ng Department of Interior and Local Government na papayagan na ang “point to point” travel ng mga menor de edad sa Metro Manila sa sandaling pairailin ang Alert Level 3 simula Oktubre 16.
“When we talk about restrictions, we only talk about point to point. For example if you are bringing your family to Tagaytay, or bringing your family where quarantine classifications are low, then you would be allowed to bring your kids from your residence to the specific area,” paliwanag ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya.
Pero nilinaw ng opisyal na hindi pa rin papayagan sa pampublikong lugar ang mga bata.
“But the kids per se are not allowed to go out, even the senior citizens, unless it is to access essential services or if the senior citizens are going to work as part of permitted industries,” aniya.
Umaasa naman si Malaya na patuloy na bababa ang alert level sa mga lugar sa bansa para tuluyan nang makalabas ang mga bata. –A. Mae Rodriguez