NAKAPAGTUROK na ang Pilipinas ng kabuuang 80 milyong doses ng bakuna habang umabot na sa halos 142 milyon ang suplay ng iba’t ibang bakuna.
Base sa datos mula sa National Vaccination Operations Center (NVOC), may kabuuang 80,613,849 doses ng bakuna ang naiturok sa buong bansa.
Ayon pa sa datos, tinatayang 35,391,519 Pinoy na ang fully vaccinated, o kabuuang 45.88% ng target na populasyon ng bansa, samantalang umabot na sa 45,056,508 indibidwal ang nanakatanggap ng unang dose.
Nitong Nobyembre 26, tinatayang 1,010,869 doses ng bakuna ang naiturok sa isang araw lamang.
Sinabi ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na patuloy ang kampanya ng pamahalaan para mahikayat ang mga mamamayan na magpabakuna.
“As we move closer to hitting our target of fully vaccinating 54 million Filipinos by the end of the year, I appeal to our local government units to continue ramping up their vaccination throughput,” aniya.