61 pasahero mula sa South Africa positibo sa COVID-19

KINUMPIRMA ng Dutch health authorities nitong Sabado na 61 pasahero mula sa dalawang flight sa South Africa ang nagpositibo sa COVID-19.

Sinabi ng Dutch Health Authority (GGD) 61 sa kabuuang 592 na pasahero ang nagpositibo sa COVID-19 sa harap naman ng pagkakadiskubre ng bagong variant na Omicron.

Naka-quarantine na ang mga nagpositibo sa isang hotel malapit sa Schiphol Airport.