NANGANGAMBA ang isang grupo ng mga medical workers na baka hindi kayang maka-survive ng Pilipinas sandaling magkaroon ng COVID-19 Delta variant surge gaya nang dinadanas ngayon ng Indonesia.
“It is really scary if the cases continue to rise like in Indonesia. We are sorely lacking, our government will not be able to handle it,” ayon kay Alliance of Health Workers National President Robert Mendoza sa panayam nito sa CNN Philippines ngayong Miyerkules.
Una nang sinabi ng mga eksperto na highly transmittable ang Delta variant, at kaya nitong mahawaaan ang lima hanggang anim na tao nang sabay-sabay, dahilan para muling mapuno na naman ang mga health facilities at kulangin ng mga medical workers.
“The health facilities in the country’s far-flung areas are not really enough,” dagdag pa ni Mendoza.
Anya, mahihirapan ang bansa sa sandaling magaya nito ang sitwasyong dinaranas ngayon ng Indonesia, dahil sa maraming kadahilanan.
Bukod anya sa brain drain ng human resources, maraming health workers ang nagbibitiw na lang dahil sa takot na ma-infect nila mismo ang kanilang pamilya. Nariyan din ang kakulangan ng pasilidad at mga kagamitan gaya ng ventilator equipment.
“The government cannot really handle an Indonesia-like surge, even the (mechanical) ventilators are not enough,” dagdag pa nito.
Sa ngayon, walong active cases ng Delta variant ang naitatala ng Department of Health, isa rito ay na-traced mula sa National Capital Region. May kabuuang 35 kaso ng Delta variant ang naitatala na, tatlo rito ay namatay.