NAITALA ngayong araw, Agosto 20, ang pinakamataas na bilang ng new cases ng coronavirus disease.
Sa tala ng Department of Health, umabot sa 17,231 ang bagong kaso, pinakamataas na daily infections na naiulat simula nang mag-umpisa ang pandemya noong Marso 2020.
Nilagpasan nito ang dating pinakamataas na daily tally na 15,310 na naitala noong Abril 2, 2021.
“Since our LGU (local government units) have been conducting intensive contact tracing and active case finding especially in high risk areas during the past few weeks, this may have also contributed to the increasing numbers as we actively find more cases,” pahayag ng DOH.
Dahil dito umakyat na sa 1,807,800 ang kabuuang kasong naitala habang nasa 1,653,351 ang kabuuang bilang ng recoveries.
Nasa 317 ang naitalang bilang ng new fatalities habang ang kabuuang bilang ay nasa 31,198 na.