SIMULA sa Martes, Hunyo 22, magiging epektibo na ang mas pinaiksing quarantine period sa mga bakunado laban sa coronavirus disease.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mula sa 10 araw na quarantine na kasalukuyang pinaiiral sa mga Pinoy na dumarating sa bansa, magiging pitong araw na lamang ito.
Sa isang briefing, idinagdag ni Roque na inayos lamang ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mekanismo kayat nabalam ito.
“Ang effectivity po ay minove to 22 June, 2021. Kasi inaayos po ng DICT iyong programa na gagamitin na magiging basehan noong verification ng vaccination cards,” sabi ni Roque.
Idinagdag ni Roque na kailangan lamang na matiyak na ang automated vaccination data base para mag-authenticate ang mga ipapakitang vaccination card sa Bureau of Quarantine.