MAS epektibo umano ang kombinasyon ng bakuna na mula sa Pfizer at AstraZeneca kumpara sa dalawang dose ng AstraZeneca.
Ayon sa pag-aaral ng Oxford University, pinalalakas ang immune system ng tao ng “mixed schedule” ng dalawang bakuna.
Nagpo-produce ito ng mataas na concentration ng antibodies laban sa coronavirus spike protein, dagdag pa ng study.
Kinakailangan lamang umano na iturok ang Pfizer vaccine makalipas ang apat na linggo matapos maturukan ng bakuna ng AstraZeneca.
Ang nasabing pag-aaral ay tinawag na “Com-Cov” o compared mixed two-dose schedules ng Pfizer at AstraZeneca vaccines.
Sinusuportahan ng nasabing pag-aaral ang desisyon ng ilang bansa sa Europe na nagsimulang mag-alok ng mga kapalit ng AstraZeneca bilang pangalawang shot matapos na maiugnay ang nasabing bakuna sa blood clotting. –A. Mae Rodriguez