Wonder Woman’ isinilang ang ika-3 baby

IBINAHAGI ni “Wonder Woman” star Gal Gadot sa Instagram na isinilang na ang kanyang ikatlong anak.


“My sweet family,” ani Gal sa caption ng picture ng kanilang pamilya na kasama ang bunsong si Daniella.


“I couldn’t be more grateful and happy (and tired) we are all so excited to welcome Daniella into our family.

I’m sending all of you love and health,” dagdag niya.


Kasama rin sa larawan ang asawa niyang si Jaron Varsano at mga anak nilang sina Maya at Alma.