PORMAL nang magsisimula ngayong araw ang pilot limited face-to-face classes sa may 100 pampublikong paaralan.
Sa isang kalatas, winelcome ng Department of Education ang mga pisikal na magbabalik-eskwela ngayong araw.
“We are thankful to everyone who supported this key phase in our safe return to school advocacy, from the planning stage since 2020 to this monumental day. We are grateful for the assistance of the Department of Health (DOH), the IATF, child health experts, local government units, international and local partners, school personnel, parents, and other stakeholders for reinforcing our shared responsibility framework in this critical undertaking,” ayon sa DepEd.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng kagawaran ang mga guro, mga estudyante at mga magulang na panatilihin ang pagsunod sa health protocols para matiyak ang kaligtasan ng bawat isa na dadalo sa face-to-face classes.
Matapos ang halos dalawang taon, ngayon na lang muli magbabalik sa pisikal na eskwelahan ang limitadong numero ng mga mag-aaral bunsod ng pandemya dala ng coronavirus disease.