HINDI muna tatanggap ng non-life threatening cases ang Philippine General Hospital (PGH) upang palawakin ang operasyon nito para sa mga COVID-19 cases.
Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario kinailangan isara ang ilang wards dahil sa kakulangan ng mga medical workers.
“Nag-decide na po namin na magbukas pa ng ilang wards at isara po ‘yong non-COVID part kasi po kailangan na nating hatakin ‘yong ibang mga tao namin,” aniya ni Rosario.
Umabot na sa 262 ang bilang ng COVID-19 patients ang naka confine sa nasabing ospital, lagpas sa kapsidad ng ward na 250.
“We ask for patience and understanding for us to better respond to the increasing number of COVID (cases). We will advise as soon as the surge eases,” ayon sa advisory ng PGH nitong Agosto 14.
Samantala, mananatili namang bukas ang Department of Ophthalmology and Visual Sciences at Cancer Institute at tuloy pa rin ang telephone o online consultation.