NAGSUMITE na ang Pfizer and BioNTech ng aplikasyon sa US Food Drug Administration (FDA) para payagan ang pagbabakuna kontra COVID sa mga batang edad anim na buwan at wala pang limang taong gulang.
Sakaling payagan ng FDA, ito ang kauna-unahang bakuna para sa wala pang limang taon sa Amerika.
Sinabi naman ng US FDA na nakatakdang magsagawa ng pulong sa Pebrero 15 para ikonsidera ang kahilingan.
Nauna nang inaprubahan FDA ang aplikasyon ng Pfizer-BioNTech para sa pagbabakuna ng edad lima hanggang 11.
Sa Pilipinas, magsisimula sa Pebrero 4, 2022 ang pagbabakuna sa mga batang edad lima hanggang 11.