Pfizer ibabakuna sa estudyante

PINAG-AARALAN na ng Department of Health (DoH) ang pagbabakuna sa mga mag-aaral at mga empleyado ng Commission on Elections (Comelec).


Sa briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center chairperson Undersecretary Myrna Cabotaje na nakatakdang talakayin ang panawagan ng Comelec bago ito iendorso sa Inter-Agency Task Force (IATF).


“We will look into that considering the flow of the vaccine na we are expecting a more steady and increased amount of supply,” sabi ni Cabotaje.


Samantala, sinabi ng opisyal na Pfizer lamang ang maaaring iturok sa mga estudyante kung sakaling payagan ito.


“Ang mayroon lang po na below 18 years old ay ang Pfizer, so, all the vaccines are 18 years old and above,” dagdag ni Cabotaje.