ISINIWALAT ngayong araw ni Philippine Drug Enforcement Agency director general Wilkins Villanueva na positibo siya sa Covid-19.
Sa Facebook post, sinabi ni Villanueva na sumailalalim siya sa RT-PCR test bilang paghahanda sa pagdalo bukas sa Senate inquiry kaugnay sa misencounter sa pagitan ng mga operatiba ng PDEA at Philippine National Police kamakailan.
“This morning I received the result. I TESTED POSITIVE,” aniya.
Ngayon ay naka-isolate na umano siya at umapela sa mga taong nakasalamuha na sumailalim din sa testing at mag-self-quarantine.