NAGPAPARINIG ba si Vice President Leni Robredo kay Pangulong Duterte?
Ngayong araw ay sinabi ni Robredo na magpapaturok lamang siya kontra-Covid 19 ng bakuna na mayroong emergency use authorization (EUA) mula Food and Drug Administration (FDA).
“Pag hindi natin tinangkilik ‘yung may EUA, parang walang saysay tuloy ang FDA. Kaya tayo may regulatory agencies kasi sila ang experts. Sila ang may capacity na mag-assess, may obligasyon na siguruhin ang makakapasok sa bansa ay dumaan sa rigorous na assessment,” ani Robredo sa kanyang radio show.
“Kung public official ako, nagpaturok ako, tapos pinahayag ko in public, in a way pino-promote mo yung klase ng bakunang itinurok sa iyo. Tapos kung ang pino-promote mo walang EUA, mahirap ‘yun kasi parang mockery yun ng existing regulatory agencies natin.
Matatandaan na noong isang linggo ay nagpabakuna si Duterte ng vaccine mula sa Sinopharm na bagaman wala pang EUA mula sa FDA ay nabigyan naman ng compassionate special permit.
Mga bakuna mula sa Pfizer-BioNTech, Oxford-AstraZeneca, Gamaleya Institute Sinovac Biotech, Johnson & Johnson, Bharat Biotech, at Moderna ang nabigyan na ng EUA ng FDA.
Samantala, sinabi ni Robredo, na may comorbidity, na magpabakuna siya kapag may sapat nang suplay ng bakuna sa bansa.
“Alam ko naman na pwede na ako magpabakuna pero gusto ko lang siguruhin na wala akong maagawan na iba na dapat mas nauna sakin,” aniya.