Pasyente ng dengue dinapuan ng Covid

KINUKUMPIRMA pa ng Department of Health ang ulat na ilang pasyente sa bansa ang sabay na dinapuan ng dengue at Covid-19.


Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakatanggap ang kagawaran ng mga ulat na ilang pasyente ng dengue ay positibo rin sa Covid-19.


“These are just anecdotal report. Ito po ay pinag-aaralan ng ating mga eksperto,” ani Vergeire.


Kumpiyansa naman ang opisyal na may kakayahan ang mga doktor na gamutin ang mga pasyenteng lumalaban sa dalawang nakamamatay na sakit.


“Kapag tiningnan natin ang mga sintomas ng dengue, mayroong konting similarity with Covif-19. Parehong nilalagnat, parehong masakit ang kasu-kasuan, masakit ang ulo. So, madi-differentiate natin through a test,” aniya. “So, gagawin natin ang Covid-19 test, gagawin din natin ang mga dengue test.”