Pasig City Mayor Vico Sotto namatayan ng driver

Sasailalim sa two-week quarantine si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos magkaroon ng close contact sa isang nagpositibo sa COVID-19.

Lubos din ang kalungkutan ng alkalde dahil ang close contact na sinasabi niya ay ang kanyang driver na nasawi rin dahil sa virus.

Ayon sa Facebook Live ni Sotto, huli niyang nakita ang kanyang driver noong Miyerkules bago ito isugod sa ospital. Biyernes nang masawi ang kanyang driver na itinuturing anya niyang matalik na kaibigan.