Walang nakikitang dahilan ang World Health Organization para hindi gamitin ang AstraZeneca Covid-19 kahit pa ilang European countries ang nagsuspinde ng kanilang roll-out dahil sa kumalat na balita na nagdudulot ito ng blood clot.
Ilang bansa sa Europa gaya ng Denmark, Norway, Iceland, Italy at Romania ang nagsuspinde nang pagturok ng AstraZeneca dahil sa napaulat na ilang recipient ng nasabing bakuna ang nakaranas ng blood clotting.
Naniniwala ang WHO na walang diperensiya ang nasabing vaccine.
“AstraZeneca is an excellent vaccine, as are the other vaccines that are being used,” ayon kay WHO spokeswoman Margaret Harris.