NANAWAGAN ngayon Sabado si National Task Force Against COVID-19 adviser Ted Herbosa sa publiko na samantalahin ang paggunita ng Holy Week para makapagpa-booster sa harap ng banta ng Omicron XE.
“Sinasabi namin sa mga kababayan na kung akala ninyo mababa na iyong risk ngayon, eh ‘pag nakapasok iyang XE, ang bilis nang hawahan niyan eh saka manghahabol magpa-booster,” sabi ni Herbosa sa Laging Handa briefing.
Idinagdag ni Herbosa na posibleng tumaas ang mga kaso ngayong Abril base na rin sa naging pahayag mismo ng World Health Organization (WHO).
”Yung parang cycle natin for the past – every three months parang tumataas iyong cases natin so parang January-February tayo so talagang due for another surge or outbreak,” ayon pa kay Herbosa.