DEDMA ang Palasyo sa panibagong ulat ng Bloomberg matapos muling mangulelat ang Pilipinas sa COVID-19 resilience ranking.
Sa isang briefing, iginiit ni Acting presidential spokesperson Karlo Nograles na sa kabila nang inilabas na pag-aaral ng Bloomberg, lumago pa ang ekonomiya ng bansa ng 7.1 porsyento sa ikatlong bahagi ng taon.
“We reiterate that our goal is to strike a balance between the management of COVID-19 and the safe reopening of the economy––to protect lives and secure livelihoods,” sabi ni Nograles.
Nauna nang sinabi ni Bloomberg na pinakamasamang tumira sa Pilipinas sa panahon ng pandemya.
“Having said this, our Economic Team will continue to put a greater emphasis on our country-specific conditions or context in order to craft policies that are more responsive to our people’s needs and the requisites of economic recovery,” ayon pa kay Nograles.