MANANATILI ang kautusan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) na kailangan ituloy ang pagsusuot ng face mask sa Cebu kahit pa sa outdoor setting.
Hindi ito maaaring maging optional na lamang ayon sa Executive Order na kamakailan ay inilabas ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia, paliwanag pa ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
Giit pa ni Guevarra ang desisyon ng IATF na manatili ang pagsusuot ng face mask ay may basbas ni Pangulong Duterte.
“The IATF resolutions on the mandatory wearing of face masks, whether indoor or outdoor, are incorporated in and/or enabled by executive orders issued by the president. As between an executive order issued by the president, as manifested in resolutions issued by the IATF composed of alter egos of the president, on one hand, and executive orders issued by local government units, on the other hand, the former shall prevail,” ayon kay Guevarra.
Samantala, nauna nang nagbanta si Interior Secretary Eduardo Año na dadakpin ang susunod sa kautusan ni Garcia na maaari nang huwag magsuot ng mask kung nasa labas ng bahay o mga gusali.