SINABI ni Philippine Genome Center Director Dr. Eva Dela Paz na ang pagbabakuna pa rin ang solusyon sa panibagong banta ng coronavirus (Covid-19) dulot ng bagong Omicron variant.
“Ang pinakaimportante pa rin ay magpabakuna po lahat ng ating mga kababayan. Sa ngayon po, hindi po katulad ng Marso na kokonti pa lamang ang ating bakuna pero ngayon po, marami na tayong bakuna kaya tulungan po natin ang isa’t isa,” sabi ni Dela Paz.
Idinagdag ni Dela Paz na nangyari ang mutation ng virus sa South Korea dahil na rin sa mababang porsiyento ng pagbabakuna sa naturang bansa.
“Kasi sa pandemya ito, isa po yan sa mga aral, tulad ng naririnig na natin ito pong Omicron eh reminder po yan na ‘no one is safe until everyone is safe.’ Kung titingnan po nating ngayon only three percent of those low income countries are fully vaccinated compared with high income countries,” dagdag ni Dela Paz.
Nagkakaroon ng vaccine resistance strain dahil na rin sa marami pa rin ang hindi bakunado.