SINABI ni Commission on Population Executive Director Juan Miguel Perez na bumagal ang paglago ng populasyon dahil sa pandemya.
Sa kasalukuyan ay nasa mahigit 110 milyon ang populasyon sa buong bansa.
Sa isang panayam sa DZMM, sinabi ni Perez na bumaba ang birth rate noong 2021 sa 1.1 million mula sa dating 1.5 milyon na naitala ng 2020.
“Ang problema natin noong 2021, ang taas ng mortality rate natin umabot ng 800,000 kaya ang nadagdag lang sa populasyon less than 1 million per year parang ang lumalabas last year, 300,000 lang ang nadagdag sa populasyon,” paliwanag ni Perez.
Nagpahayag din si Perez sa pagdami ng namamatay hindi lamang sa Covid kundi sa iba pang mga sakit.
“Nababahala kami sa napakataas na mortality rate, nandiyan Covid, nandiyan ang iba pang sakit, dumarami namamatay sa hypertension, stroke at diabetes, na bumababa na bago magpandemya,” ayon pa kay Perez.