BUMAGAL ang pagkalat ng Covid-19 sa buong Metro Manila kumpara noong mga nakaraang linggo, ayon sa OCTA Research.
Sa ulat ng research group, bumaba sa 0.93 ang reproduction number ng nasabing sakit mula Abril 18 hanggang 24.
Ang reproduction number ay nagpapakita kung gaano mabilis kumalat ang sakit. Kapag mataas ang bilang, mas mabilis ang pagkalat.
Sinabi ng OCTA na mas mababa ang reproduction number sa 17 local government units sa National Capital Region kumpara noong nakaraang linggo.
“The average number of new COVID-19 cases reported per day in the NCR was 3,841 over the past week, with a one week growth rate of -20%,” ayon ulat ng OCTA. “The current average is 30% lower than the average of 5,552 during the peak of the surge three weeks ago.”