MARAMING manggagawa sa Metro Manila ang hindi nabakunahan ngayong araw dahil hindi sapat ang nakalaang doses ng anti-Covid 19 vaccine.
Ayon sa ulat, alas-7 pa lamang ng umaga ay inihinto na ang pila sa SM San Lazaro sa Maynila kung saan 750 lamang ang nabakunahan habang alas-8:30 ng umaga ang naging cut-off sa Robinsons Mall sa Ermita.
Samantala, sa Mandaluyong ay marami ring nakapila ang pinauwi dahil mahigit 2,000 lamang ang nakalaang doses para rito ngayong araw.
Nitong Lunes ang simula ng pagbabakuna sa mga pasok sa A4 priority group o manggagawa/economic frontliners
Nasa 30 milyon ang mga manggagawa sa Pilipinas.